Ateneo PolSci Bloggers

Archive for the ‘Youth’ Category

NASA PAG-ALALA ANG PAGLAYA: Panawagan sa Pag-alala ng Masaker sa Maguindanao

In History, Philippine Issues, Politics, Youth on November 23, 2010 at 4:58 pm

(mula sa mga kaibigan sa Matanglawin, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila)

“…We have yet to achieve the cultural integration of the meaning of the Holocaust, which is essential if the slogan “Never Again!” is to become a living reality. We must ask ourselves why we have failed. Is it because we are unwilling to face the meaning of the event? Are we so repelled by its sheer horror that we are unintentionally repressing the investigation of what it means in terms of the future of our civilization? Is it because we start with the a priori assumption that events of this sort are unintelligible? Have we so “mystified” the event itself that it seems somehow disconnected from our own age, something that happened on another planet entirely? It seems clear to me that the crisis we face with regard to knowing and understanding the Holocaust is partly, if not largely, one of our own making.”

– Alan Rosenberg, “The Crisis in Knowing and Understanding the Holocaust,” mula sa ECHOES FROM THE HOLOCAUST

Nobyembre 23, 2010. Mag-iisang taon na mula nang naganap ang isa sa mga pinakanakakarimarim na krimen sa ating kontemporanyong kasaysayan. Sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao ay pinaslang nang walang-awa ang 57 katao ng mga elementong kakabit ng nanunugkulang angkan ng mga Ampatuan sa probinsyang ito. Pangunahin sa mga pinaslang, katulad ng nasabi na sa lahat ng pag-alala, ang maybahay ng pinuno ng kaalit nilang angkan ng  mga Mangudadatu, mga kapatid niya, mga mamamahayag, mannanggol, kasambahay at mga inosenteng motorista. Nagimbal ang buong sambayanan, lumuha, nagngalit atlalong nawalan ng tiwala sa mga sistemang pampamahalaang pinangunguluhan ng teknokratiko-awtoritaryang pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (na sa kasalukuya’yhindi pa rin napapanagot sa kanyang mga kasalanan sa bayan). Magpasahanggang ngayon, nakabinbin pa rin ang kaso ng paglilitis sa mga pangunahing pinaghihinalaang maysala sa karumal-dumal na krimen na si Andal Ampatuan Jr., dating punongbayan ng Datu Unsay (na nakapiit pa rin at nakatatanggap ng di-kawasang mabuting pagtrato kung ihahambing sa karaniwang preso). Read the rest of this entry »

RE-VOLITION FOR REVOLUTION

In History, Philippine Issues, Political Economy, Political Theory, Politics, Youth on November 18, 2010 at 1:41 am

An Analysis of Philippine Socio-Political Realities and Opportunities Towards Mobilization for Radicalization of Democracy

Hansley A. Juliano

(Note: Originally a final requirement for the course “PoS 160: Current Issues and Problems in Philippine Government and Politics” under Ms. Joy G. Aceron, this is an expanded form of the writeup with initial ideas for tactics on mobilization and the social considerations attached therein. The themes will be revisited once further research has been conducted.)

Among the literature that has attempted to analyze and understand the development of the Philippine nation, its society and its component people, it is supposedly only Jose Maria Sison who was able to present a comprehensive framework for political change in the country via his seminal Philippine Society and Revolution (published under the pseudonym of” Amado Guerrero” in 1970). Characterizing the Philippine socio-political landscape as “a semi-colonial and semi-feudal society” via its collective colonial heritage of Spanish frontier-building among the vast East Indies and the United States’ avowed deceptive program of “Benevolent Assimilation,” the publication therefore pronounces that political change can only come through a “a national-democratic revolution, a revolution seeking the liberation of the Filipino people from foreign and feudal oppression and exploitation.” (Guerrero 1970, 77). Read the rest of this entry »

Pagsalitain Natin si Rizal

In Culture, History, Philippine Issues, Youth on December 31, 2009 at 4:21 am

Isang nahuling paggunita hindi sa pagkatao ni Jose Rizal kundi sa kung ano ang nais sabihin at iparating ni Jose Rizal

ni Hansley A. Juliano

Buong buhay ko, wala kayong ginawa kundi husgahan ako, basahin ako. Kinuha niyo na ang lahat sa akin. Kung anu-anong hiningi ninyo, pero hindi niyo pa rin makita kung sino ako. Marami na akong ibinigay, bakit pati ang buhay ko? Patahimikin niyo na ako, para makita ko ang sarili ko!

– Jose Rizal, sa pagganap ni Cesar Montano

Sa pagkakataong ito, hindi ang aking mga opinyon o ang aking paniniwala, kundi kung ano ang paniniwala ng isang mamamayang itinuring nating propeta na magpasahanggan ngayon ay hindi binibigyang-halaga, ang bibigyan ko ng puwang.
Read the rest of this entry »

A Reaction to Sanggunian Resolution No. 20091103

In Elections, Politics, Youth on November 22, 2009 at 4:07 am

by Rosselle Tugade

Note: The resolution in its full content can be accessed via Sanggu President Gio Tingson’s Facebook page.

With the release of Resolution No. 20091103, the possession of the assaulting spirit of totalitarianism upon the Ateneo Sanggunian has come into full circle.

The Sanggunian’s latest directive that calls for the resignation of unregistered officers reeks heavily of the illusory images imposed by Nazi Germany and Stalinist Russia upon its people back then: that the power of the individual to fabricate change out of a vacuum through singular acts as per established procedures is the pinnacle of political participation. This, in turn, necessitates the disavowal of a critical awareness of what genuine struggles for justice and freedom truly demands. To put it simply, it seems that the Sanggunian has severely fallen out of touch with the understanding that the deep political crises of our time requires consistent and chronic engagement outside the self-gratifying and solitary act of voting in the upcoming elections.
Read the rest of this entry »

Ekonomiko Pa Rin Ang Tanong

In Culture, History, Philippine Issues, Youth on October 3, 2009 at 5:09 pm

(o kung bakit sa kabila ng aking pakikibahagi magiging walang-kwentang “footnote to history” lamang na naman ang mga mobilisasyon para sa nasalanta ng Bagyong Ondoy)

ni Hansley A. Juliano


Marahil may mga bagay na kailangan akong alalahanin sa pag-alis ni Ondoy at maaaring pagsaglit ni Pepeng. Hindi naman siguro masamang sabihin na naging kabahagi ako ng sanrekwang mag-aaral ng Pamantasan na lumubog sa baha, gumawa ng iilang patawang patama sa ibang lugar na binabaha, at nakaranas ng existential crisis sa kung bakit inabot din ang Katipunan ng ganitong kalaking sakuna. Gaya ng naikwento ko na, naramdaman ko ang pagdating ng bagyo noon pa lamang naglalakad ako patungong Alingal Hall, kung saan pinagtulungan ako ng hanging habagat at ng mga luha ni Tungkung Langit na bigyan ng baradong ilong pagkatapos. Alam na natin ang nangyari. Napanood na sa YouTube. Naipost na ang lahat ng retrato at na-tag na tayo ng mga kaibigan sa ganoon kalaking problema. Seryoso: wala na tayong masasabi pa. Walang pinagkaiba sa isang malupit, nakapanunugat at matalim na pagtatanghal ng isang trahedya. Dalawa lamang ang posibleng ating magawa kapag hinarap ka ng ganitong sakuna, at least sa pananaw ng iba: ang magitla’t umiyak nang mapait sa libu-libong namatay, o ang umiyak habang nagbabalot ng mga tulong, kundi ang makasama mismo sa pag-aabot ng tulong sa mga buhay pa nguni’t lubhang nasalanta. Dito lang sa pagkakataon ko ito siguro masasang-ayunan, bahagya lamang, si Ninoy Aquino nang noong Abril 6, 1975, sinabi niya sa kapwa niyang senador na si Francisco “Soc” Rodrigo:
If we want our people to follow, I propose, we must cease arguing and start acting, doing what a freeman must do to assert his rights and defend his freedoms. Actions, not words. Selfless examples, not ideas. The time for talking is past!

Pero, siyempre, hindi yun ganoon kadali.

Read the rest of this entry »